Minsan ba'y iyong naisip, "Ako'y Pilipino at pagyayamanin ko ito"? Ang ating wika ang bumubuo ang saating diwa at buhay dahil ito ang ating natatanging kapangyarihan upang tayo'y magkaintindihan. Isipin niyo ang mundo na walang pagkakaintindihan, magulo hindi ba? Sa ating henerasyon ngayon,nakaranas ng madaming pagbabago ang ating wikang Filipino. Nariyan ang wikang balbal at kolokyal na kadalasang ginagamit ng madla. Ngunit paano nga ba ito nagbago? Sa aking pananaw, ang dahilan ay ang patuloy na pagbabago ng ating pamumuhay tulad ng paggamit ng makabagong teknolohiya. Napakalaking midyum ng wika ang bagong teknolohiya tulad ng facebook, messenger, instagram at iba pa. At sa paglaganap ng teknolohiya, nagbigay daan ito sa makabagong impluwensiyang idinulot sa wika. Kung noon ang mga Pilipino'y mga makata at puro ang pananalitang pambansa, ngayo'y tila mga salitang hiram, pinalitan ang ayos at bulgar ang iwiniwika ng karamihan.Iyon lamang po, ang wika natin ang bumubuo saatin na tila ating dugo at laman maraming salamat po sa pagbabasa.
POSTED BY JASMIN PARNACIO AT 10:47 AM