ni: Jan Eros A. Nigos 11-ABM B
Ano ang mga pagbabagong nagagawa ng wikang Filipino? Isang tanong na nangangailangan ng dekalidad na sagot. Sagot na tanging ang tunay na Pilipino ang makakasagot. Marami na ngang nangyayaring pagbabago sa ating wika at ang mga pagbabagong nagagawa nito ay isang malaking hakbang tungo sa kaunlaran ng ating bayan. Una dito ay ang komunikasyon. Nakatutulong ang wikang Filipino rito dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng interaksyon sa bawat mamamayan upang maitawid ang ating nais sabihin o ipahiwatig na konsepto o ideya. Pangalawa, dahil sa wikang Filipino ay nagagawa nating paunlarin mismo ang ating komunidad at ang ating bansa sa pamamaraan ng pakikipag ugnayan sa ibang bansa upang mapaunlad ang ating bansa gayundin ang pagkakaroon ng magandang ugnayan sa ibang tao. Naibabahagi natin sa mas nakatataas na posisyon sa goberyno ang ating mga saloobin kung ano nga ba ang mas nakabubuti para sa ating mga sariling bayan. Pangatlo, napapaunlad natin ang ating sarili pagdating sa paggamit ng sariling wika. Sa atin nagsisimula ang kaunlaran sapagkat nakatanim na sa ating isipan na knung tayo ay nagkakaisa kalakip ang pagsasabuhay ng wikang atin ay hindi malayong makakamit natin ang tunay pagbabago. Wikang Filipino ang nagbuklod buklod sa ating mga Pilipino upang magkaisa at ito'y nagbibigay ng ating kasarinlan bilang miyembro ng bansang ito.
POSTED BY JASMIN PARNACIO AT 10:40 AM
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento