Sabado, Setyembre 2, 2017

"Yakapin Natin Ang Wikang Atin"

ni: Shaira M. Meridor 11-ABM C

     Ang wikang filipino ang nagsisilbing gabay natin tungo sa panghinaharap. Maraming nangyayaring pagbabago at hindi na ito bago pa sa ating mga Pilipino. Nababago ang wikang atin sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga programa tuwing sumasapit ang araw ng ating wika dapat lang itong ituro sa mga paaralan at igalang natin ang ating wika, huwag haluan ng hindi magagandang salita tuwing sasapit ang araw na  ito, lahat ng paaralan ay gumagawa ng ibat ibang klase ng programa malaking tulong ito sa pagbabago ng ating wika. Ang iba pang pagbabago ng ating wika ay marami ng banyagang wika, madami din tayong mga kababayan na nasa ibang bansa kaya madali na din matuto ng ibang mga wika. Maganda ang naitutulong ng programa tuwing sumasapit ang linggo ng wika dahil lahat ng lugar dito sa Pilipinas ay nagtatanghal ng ibat ibang klaseng programa tulad sa mga eskwelahan. Nararapat na mahalin natin ang sariling wika at dapat alam natin pahalagaan ang ating sariling wika. Huwag natin pairalin ang wikang banyaga. Tangkilikin ang wikang atin upang nang sa ganon ay matamo natin ang layuning maging maunlad nang walang halong pag-aalinlangan. Ang tunay na Pilipino ay yaong may dignidad sa sarili na ang kaniyang sariling wika ang tanging simbolo ng tunay na mamamayan.

POSTED BY JASMIN PARNACIO AT 11:25 AM

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento