Sabado, Setyembre 2, 2017

"Wika Nating Lahat, Wikang Filipino"

ni: Fidela C. Angayen 11-ABM B

     Habang tayo ay nabubuhay, nagkakaroon tayo ng kamalayan sa mga pagbabagong nangyayari sa ating paligid maging sa ating wika. May bahagyang pagbabago sa paggamit ng wikang Filipino at tila hirap ang ilan na makisabay dito. Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media at iba pa. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring karahasan, kalamidad, at kasiyahan sa bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Ito rin ang nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong salita na hindi nararapat na mabuo sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan. Dahilan sa kagustuhan ng mga Pilipino na mapadali ang komunikasyon sa ibang tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”. Sa ngayon, napakarami nang nakakalap ang tao tungkol sa nangyayaring pagbabago pagdating sa wikang Filipino. Hindi man madali sa atin ang maging dalubhasa sa iba't-ibang wika ay napapatumayan naman natin sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sariling atin ay nagiging ganap tayong mamamayan ng bansang Pilipinas. Kailangan natin magkaroon ng tamang pananaw at konsiderasyon sa mga nangyayaring pagbabago, ito man ay mayroon o walang maidudulot sa atin. Kung para sa ating Inang Bayan ay bakit hindi natin samantalahin ang pagkakataong tayo ay nakakapagsalita? Huwag tayong mawalan ng pag-asa habang alm nating tayo ay magkakaroon ng mabuting kinabukasan. Ituring natin na sa bawat minutong tayo ay may kakayahang paunlarin ang sariling wika,ang wikang Filipino ay ating lakas hinggil sa mapanghinang mga wikang banyaga.

POSTED BY JASMIN PARNACIO AT 11:07 AM

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento