ni: Jen D. Adriano 11-ABM B
Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang nagaganap. Maging ang ating sariling wika ay nagkakaroon ng pagbabago. Ang pagbabago ng wika ay hindi natin maiiwasan at mapipigilan. Sa ilan, ito ay masasabing dahan-dahang pag-unlad hindi lang para sa ating mga Pilipino bagkus pati sa ating Inang Bayan. Ang wikang Filipino ang nagiging daan sa ating pagkaintindihan. Sa paraang ito, maraming tao ang nailalahad ang kanilang saloobin, damdamin at mga hinaing. Kapag nababatid natin ang bawait hinaing ng bawat isa, tayo'y nagkakaintindihan. Kapag tayo'y nagkakaintindihan, makapagbibigay tayo ng mga paraan kung paano umunlad ang ating bansa. Sa tulong ng wika, tayo'y nagkakaunawaan tungo sa ating pagyabong. Mula nang tayo at namulat, likas na sa atin ang magkaroon ng sariling wikang kailangang pagtibayin. Sa paraang tinatanggap natin sa ating puso ang sariling atin ay napapatunayan natin na hindi hadlang ang ibang wika upang maging mababa ang tingin natin sa wikang Filipino. Kahit pa man umuusbong ang mga panibagong paraan ng paggamit ng wikang Filipino ay isaisip pa din natin ang pagiging tapat at mabuti sa ating wika, ating sarili, ating kapwa Pilipino at maging ang ating bansa. Hindi masama ang pagbabago lalo na kung ito ay makatutulong sa ating pag-unlad. Ang mahalaga ay isa-puso't isip natin ang kahalagahan ng ating wika. Magkaroon tayo ng magandang hangarin kaakibat ang positibong pananaw sa tinamo nating pagkakakilanlan. Ang wikang Filipino ay ang tanging instrumento upang makamit natin ang tunay kaunlaran.
POSTED BY JASMIN PARNACIO AT 11:04 AM
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento