Sabado, Setyembre 2, 2017

"Ako Ay Tunay Na Pilipino"

ni: Dave Olidan 11-ABM C

     Pagbabago tungo sa kaunlaran. Isang pahayag na karaniwan na nating nababasa at naririnig saan mang dako. Sa telebisyon, sa radyo o maging sa mga pahayagan. Ngunit, ang mga pagbabago nga bang nangyayari sa wikang Filipino ay nagkakaroon ng bahagi sa kaunlaran ng bansang Pilipinas? Oo, sapagkat ang tunay na pagbabago ay nakakamit lamang ng isang Pilipino kung isinasabuhay at isinasapuso niya ang kaniyang natatanging kayamanan, ang kaniyang sariling wika. Dahil sa wikang Filipino, ay nagagawa nating makipagtalastasan sa kapwa natin. Nabibigyan natin ng kahulugan ang tunay na Pilipino sa puso, sa isip at sa gawa. Ito rin ang nagiging sangkap natin upang maging kumpleto ang mga kakailanganin tungo sa ating ikakapag-tagumpay. Sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng wikang atin ay nagiging matatag tayo at nagsilbi iyong ilaw upang patuloy na mabuhay. Dahil sa wikang Filipino ay nagkaroon tayo ng pag-aaring hindi mananakaw nang sino man. Kung ang basehan ay ang pagiging magaling sa mga wikang banyaga, hindi ito totoong basehan. Sapagkat hindi naman nakababawas sa katalinuhan ng tao ang pagiging mahina sa ibang wika. Iba pa rin ang dignidad ng isang Pilipinong may pagtanaw sa sarili niyang wika. Umusbong man ang iba't ibang problema sa wikang Filipino, dapat natin itong tanggapin sapagkat sa huli, tayo ang magtatagumpay. Makisabay sa bawat pangyayari, nawa'y huwag maging balakid ang wika ng iba para hindi maging maunlad ang bawat isa sa atin. Sapagkat ang wikag Filipino ang ating lakas at nagsisilbing tagapagpaalala sa atin na tayo ay isinilang sa kadahilanang tayo ay dapat isakatuparan at walang iba kung hindi ang magkaroon ng isang bansang may pagmamahal at pagkakaintindihan.

POSTED BY JASMIN PARNACIO AT 10:58 AM

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento