Ang wikang Filipino ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat Pilipinong mamamayan at nagbubukod-tangi sa atin mula sa ibang lahi. Ngunit ano nga ba ang mga pagbabagong nagagawa ng wikang Filipino? Paano ito nakakaapekto sa atin at sa atin bansa? Ang wikang atin ay nagsisilbing tulay upang magkaroon tayo ng ugnayan sa ibang bansa, ibang nasyon, ibang lahi, ibang bayan at ibang tao. Maging ito man ay pasulat o pasalita. Dahil dito, nagiging ganap ang ating pagkatao. Nariyan ang mga hadlang sa biyahe ng ating wika at ang mga kalbaryo sa wikang pambansa. Natural na ito sa atin at hindi na ito maiiwasan. Kung patuloy nating mamahalin at isasabuhay ito sa tamang paraan, ay nababalanse natin ang ating antas hinggil sa pagtangkilik sa wikang pambansa. Marami mang ginagawang pagbabago sa wikang Filipino ang ilan sa atin (kabilang na ang pagpapaikli ng mga salita, paghahalo ng wikang Ingles, paggawa ng akronim, pagbabaliktad ng mga pantig at iba pang paraan upang maiparating ang hinaing at magkaunawaan) ay nanatili pa rin ang hangarin nating maging tanyag na mga Pilipino. Sa kabila ng pagpapatupad ng Saligang Batas na opisyal na wika din ang wikang Ingles, ay nawa hindi ito maging dahilan upang mangibabaw ang kolonyalismo. Dahil wikang Filipino pa din ang dapat na manaig sa bansang ating sinilangan, ang bansang Pilipinas. Tayo ay Pilipino. Mabuhay tayong lahat!
POSTED BY JASMIN PARNACIO AT 11:28 AM
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento