ni: Diego D. Ambrocio 11-ABM B
Hininga, kapangyarihan at puwersa. Ito ang mga salitang naikikintal sa aking isipan sa tuwing maririnig ko ang mga salitang "Wikang Filipino". Ngunit paano nga ba napapabago o ano ang pagbabago na nagagawa ng Wikang Filipino? Ang sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan kung ito'y gagamitin sa iba't-ibang larangan. Marami ang nagsasabi na kapag ang iyong wika ay Filipino ay isa kang mangmang o bobo ngunit kapag Wikang dayuhan naman ang iyong gamit ay ikaw ay sosyal o mayaman. Maraming pagbabago ang nagagawa ng Wikang Filipino,isa na rito ang hindi maayos na pamamahala ng edukasyon sa ating Bansa , naniniwla sila na Ingles raw ang wika ng mundo. Dahil sa wika natin marami ang tumatangkilik ng ibang wika dahil sa naniniwla sila na ang sariling wika natin ay wikang pang mangmang lamang at pangmahirap. Ngunit hindi ko kailanma'y itinakwil and sarili kong wika. Ipinagmamalaki kong ako ay Pilipino at bansa ko ang Pilipinas.
POSTED BY JASMIN PARNACIO AT 10:27 AM
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento